ang nawawalang ice cream

Posted: August 19, 2010 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , , ,

si milli vanilli, mag isa lang sa kama nya, nakatingin sa pader na puno ng litrato ng mga pangarap nya. hindi sya mahilig magisip masyado tungkol sa mga nakaraan, ngunit ngayon sadyang tila naliligaw ang landas nya. naalala nya tuloy ang palagi nyang panaginip: bata pa sya at gustong gustong mamili ng icecream, 5 pesos lang sabi ng mama, tatlong klaseng flavors meron dyan.

hinanap niya tuloy yung yaya nya ngunit sya ay nawawala, lumingon sya pababa at may nahanap na 5 piso at sunod sunod pinulot nya, hanggang sa umabot sya sa dulo ng mundo at biglang napatalon. nahulog sya sa gitna ng mundo hangang umabot sa kabilang bahagi, kung saan nakita nya itoy gawa lamang sa kakaibang icecream flavor – nawawalang vanilla.

sayang at sya lang ang tanging tao na maka enjoy nito. sayang at sya lang ang tanging may alam kung paano papunta dito. kung babalik naman sya paano maniniwala ang mga tao sa kakaibang vanilla kung wala na ito? gusto nya sana dito nlang manirahan ngunit alam nya kung wla syang kasama masisira lang ulo nya.

pagkabangon ni milli sa panaginip nya, naintindihan nya kagad kung anong kailangan nyang gawin. naintindihan nya na meron syang isang talentong angat sa iba na hindi dapat sayangin. eto ung vanilla na napanaginipan nya. upang matupad ang pangarap nyang purong ice cream, kailangan syang mag hiling muna para sa mga pang araw araw na kailangan, mabago ang kanyang pananaw sa nakaraan, at magkaroon ng tamang paghanda para sa di inaasahan.

ilang beses sya nagkaroon ng pagkataon makabili ng pangkaraniwang icecream, kahit sa unang pagkapulot ng pambayad, pwede na nyang talikuran ang pagpayaman nya. nagkataon na masaya nyang inipon ang mga biyaya ng landas kaya dahil doon nakita nya kung saan talaga nakatira ang tunay na gusto nya. kahit impossible basta ginawa lang nya trabaho nya, makuha rin nya ang gusto nya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s